Werpang Warehouse Sale

Event Start Date:
December 7, 2017
Event End Date:
December 17, 2017
Event Venue:
Mervile, Parañaque

Sharing is caring!

 

Heto na ang petmalung pinakahinihintay ninyo! Tara na sa Werpang Warehouse Sale, mga lodi! ✨📚✨

Disyembre 7-17, 2017** | Lunes hanggang Linggo
8 n.u. hanggang 5 n.h.

KM 14 West Service Road, La Suerte Compound, Merville, Parañaque

Paano pumunta galing EDSA:
Sumakay ng MRT at bumaba sa Magallanes station.
Tumawid papuntang Chino Roces Ave. at sumakay ng jeep papuntang Merville.
Sabihin sa jeepney driver na ibaba kayo sa “La Suerte” o “CTSI Logistics.”
Pumasok sa gate bago ang building ng CTSI Logistics, at sabihin sa guard na pupunta kayo sa Warehouse ng Anvil.
Maglakad hanggang sa makakita ng puno. Oo, bes, puno! Puno! Puno na may mga upuan sa likod.
Makikita niyo na ang aming warehouse sa kaliwang bahagi, sa likuran ng puno.

 

Guidelines:

– Magdala kayo ng payong, pamaypay, inumin, pagkain (pahingi kami) at pamalit na damit. Giyera itu.
– Bawal magsuot ng tsinelas at shorts (sorry mga lodi, pinagbabawalan ng guard sa harap. Pero kung naka-kotse kayo di niya naman mapapansin hehehe)
– Agahan niyo para hindi kayo ma-traffic!

Tara na bago magkaubusan ng mga petmalung libro! #AnvilWerpangWarehouseSale

Per DTI-FTEB Permit No. 17318 Series of 2017

**Disyembre 15, 8 n.u. hanggang 12 n.t. lamang

Comments

comments